(Para kay H.A.)
Hindi ako prepared.
Umalis ka ng walang sabi-sabi.
Iniwan mo ko ng walang matinong paalam.
Ok, fine. Hari ka na. Taas kamay ko sa ‘yo. Ang lakas mo mag-power trip. Kung ano gusto mo, yun ang nasusunod. Ganon naman palagi nangyayari di ba?
Hindi kita pwedeng kontrolin.
Kahit kailan.
Masaya naman tayo dati, di ba? Lagi tayo magkasama, halos dose oras sa isang maghapon. Hindi naman ako demanding. Sa gabi, hindi na kita inoobligang lumabas pa . . . kasi sabi mo, sa sobrang hectic ng sched mo, kailangan mo rin ng panahon to recharge and re-energize yourself.
Nagbago ka pagdating ng Abril. Pabago-bago isip mo. Hindi kita ma-gets.
Apparently, yung ibang mga taong nagmamahal sa ‘yo, hindi ka rin maintindihan. Ang kaibigan mong si Nathaniel nagkukumahog magpaliwanag kung bakit ka biglang nag-disappearing act.
Pero hindi ko kailangan ang mga paliwanag nya.
Ikaw ang kailangan ko.
Ikaw lang.
Bumalik ka na.
Sana hinintay mo na matapos ang Mayo.
Sana dinahan-dahan mo naman ang pag-alis mo.
Konting konsiderasyon naman dyan.
Pinaasa mo ko.
At umasa naman talaga ako ng bonggang-bongga.
Sinama kita sa mga plano ko.
Magparamdam ka.
Better yet, magpakita ka.
Hihintayin kita sa Basco sa huling linggo ng Mayo.
Umayos ka, Haring Araw.