Cubao

sa malungkot kong bahay
na madilim at tahimik
ang mga patak ng tubig-ulan
ay naging uyayi

ako’y naidlip sa himig ng tubig
na dali-daling lumagaslas, tumaas
mula sakong hanggang tuhod

hanggang dibdib
may dalang pangamba

lumalangoy ang mga katanungan
nakalutang na nang magising

pumalaot ako at matiyagang naglimas
nakita ang isla ng pag-asa

sumilip at ngumisi ang araw
sa malungkot kong bahay at buhay

(2007-08-09)

Comment on this post

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s