Tagged: poems

Isang hugot para sa bawat bagting ng ukulele

ukulele-923482_1920.jpg

Isa
Ikaw yan, nag-iisa
Sa puso kong tumatangis
Wala nang ibang nais

Dalawa
Tayo yan, pag magkasama
Sa ilalim ng buwang maputla
Dalawang salita – Mahal kita
Mensaheng naikubli
Kwerdas ang kumandili

Tatlo
Kung ilang taon akong lutang
Aabang-abang
Umalis ka nang walang pasabi
Ang pagsisisi, nasa huli
Tingala sa langit
May pangungulit
Bulong nang tatlong ulit —
Bumalik ka
Bumalik ka
Bumalik ka

Apat
Bilang ng mga bersong naisulat
Tila di pa rin sapat
Ngayong may naungkat

Tatlo, dalawa, isa
Ang pagitan natin, isang hibla
Ngayong natupad na
Muli, kapiling ka