E.Rod

hatinggabi
may kakaibang lamig ang hangin
sinlamig ng tinig nyang
nagmumula sa dilim
umaawit nang kay lambing
habang nagsusumiksik sa ‘king guni-guni
may paalalang bilog na naman ang buwan

at ulila ang gabi
sa bahay na tulugan
tahanang walang ibang laman
kundi ang hamog ng kundiman

(2007-08-14)

2 comments

Leave a reply to hannah Cancel reply